Aug 31, 2018

ANAK



Kamusta anak.
Mag papaalam na ako sa iyo dahil kailangan ko nang bumalik sa Pilipinas.  Sa totoo lang, ang lamig dito sa america at sinusumpong na ang aking mga tuhod.  
Pero bago ako umalis,  gusto ko lang  sabihin sa iyo na ako na ata ang pinaka masayang ama sa buong mundo dahil ikaw ay nakahanap ng isang mabait at responsableng  lalake na mag aalaga sa iyo at maging kabalikat sa buhay. 
Si Mitch ay isang mabuting tao at nakikita ko sa kanyang mga mata na mahal na mahal ka niya.  Minsan ay nagtataka lang ako kung anong itsura niya pag inahit niya ang kanyang balbas (hehe), pero hindi na yan importante.  I only wish the best for you both. Magmahalan kayo ng habang buhay.  
Humihingi ako ng paumanhin na ang ating pamilya ay hindi perpekto at kinailangan kong tumayo bilang iyong ama at ina.  Ang buhay may asawa ay nagdudulot ng maraming hamon. Laging manalangin sa diyos na ikaw ay pagpapalain. Ilagay sa iyong puso na ang iyong ama ay laging naririto para sa iyo at maaari mong asahan sa anomang oras.
Ay sya !!! ... bago tayo mag iyakan dito ay magpapaalam na ako sa ngayon.  
See you soon Anak.  Madalas na ako maglalakbay dito sa America para mabisita kayo. Baka sa pag balik ko ay meron na akong apo.
Ingat parati.
#meronforever 
πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡ΊπŸ‡Έ
Ang nag mamahal mong ama
RUNNINGSHIELD.